The Word Manga
HELPING YOUNG PEOPLE TO KNOW MORE ABOUT GOD'S WORD THRU MANGA BIBLE.
Si Isaias at ang Hiwaga ng Sugo ng Dios
Si Isaias ay isang taong puno ng pag-asa, matapat at mapagmahal na propeta ng Diyos. Karamihan sa kanyang mensahe ay may kaugnayan sa ating panahon. Si Isaias ay isang propeta sa kaharian ng Judah. Ayon sa tradisyon ng mga gurong Hudyo, ang ama ni Isaias na si Amos (hindi si Propeta Amos) ay kapatid ni Haring Amasias. Kung kaya't si Isaias ay pinsang buo ni Haring Uzias at apo ni Haring Joas.
Illustrator & Cover design: Jonah Onix
Digital Colorist: Vernon Rey Fuentes
Story Writer: Pola De Vera
Si Oseas at ang Larawan ng Lubos na Pag-ibig
Si Oseas ay isang propeta na nanirahan at nanghula bago pa man ang pagkawasak ng Israel noong 722 siglo. Siya ay nangaral sa hilagang kaharian ng Jerusalem. Si Oseas ay inutusan ng Diyos na mag-asawa ng isang patotot bilang isang halimbawa ng relasyon sa pagitan ng Diyos at ng Israel. Si Oseas ay sinugo upang ipahayag ang kahabagan at pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan.
Illustrator & Cover design: Jonah Onix
Digital Colorist: Vernon Rey Fuentes
Story Writer: Pola De Vera
Si Daniel at ang Dakilang Larawan
Kabilang sa mga bihag na kinuha sa Babilonia ay isang binata na nagngangalang Daniel. Kailanman, si Daniel ay hindi na makababalik muli sa Jerusalem, ngunit ang Diyos ay may natatanging plano para sa kanya sa Babilonia para sa panahong darating. Sa isang punto, ginamit ng Diyos si Daniel upang bigyang kahulugan ang panaginip ni Haring Nabucodonosor. Si Daniel din ay tumanggap mula sa Diyos ng di-pangkaraniwang pangitain ng mga kaganapan sa hinaharap.
Illustrator & Digital Colorist: Jonah Onix
Story Writer: Pola De Vera
Si Daniel sa Yungib ng mga Leon
Ang mga kaaway ni Daniel ay nag-isip ng plano kung paano siya ililigpit. Wala silang mahanap na anumang mali kay Daniel dahil kailanman ay walang nilabag na batas si Daniel. Dahil dito, sila'y nagpasya na gumawa ng bagong batas na alam nilang di susundin ni Daniel.
Nakasaad dito na sinoman na mahuling nananalangin sa Diyos maliban sa hari ay parurusahan at ihahagis sa yungib ng mga leon.
Illustrator & Digital Colorist: Jonah Onix
Story Writer: Pola De Vera
Ang Propetang si Amos sa Lugar ng Bethel
Si Amos ay isang propeta sa Lumang Tipan, at ang sumulat ng Aklat ni Amos. Siya ay nanirahan sa Tecoa, isang bayan na umaabot sa 10 milya ang layo sa bandang timog ng Jerusalem. Bago pa man maging propeta, si Amos ay isang pastol at isang magsasaka ng igos. Ang pagpapahayag ni Amos na siya'y hindi propeta o anak man ng isang propeta o nag-aral man sa paaralan ng mga propeta ay nangangahulugan na siya'y isang tunay na propeta.
Illustrator & Digital Colorist: Jonah Onix
Story Writer: Pola De Vera
Ang mga Propesiya ni Mikas
Si Propeta Mikas ay nabuhay noong 750 siglo, sa panahon ni Isaias. Si Mikas ay nangaral kung paano parurusahan ang Israel at Juda dahil sa kanilang mapagkunwaring pagsamba, kawalan ng katarungan at kasamaan. Siya rin ay nagsalita ng pagliligtas ng Diyos. Hinulaan rin niya ang pagkawasak at pagbagsak ng Jerusalem.
Illustrator: Daniel Gajon & Faith Gajarion
Cover Design: Jonah Onix
Colorist: Vernon Rey Fuentes
Story Writer: Pola De Vera
Susunod na mga Makasaysayang Pangyayari...
Ang Kwento ng Paglikha
Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang ating mundo. Nilikha Niya ang liwanag at ang langit. Nilikha rin ng Diyos ang araw at ang buwan, at mga bituin. Nilikha niya ang lahat ng nilalang na nakatira sa tubig, sa himpapawid, at sa lupa. At panghuli, nilikha ng Diyos ang unang tao, si Adan, at ang unang babae, si Eva. Nagbigay ang Diyos sa kanila ng isang kahanga-hangang lugar kung saan sila maninirahan, ito ang Hardin ng Eden.
Illustrator: Daniel Gajon
Cover Design: Jonah Onix
Colorist: Vernon Rey Fuentes
Story Writer: Pola De Vera
Ang Hurnong Nagniningas
Si Sadrach, Mesach at Abednego ay nasa panahon ng kabinataan nang ang kanilang pananampalataya ay lubos na sinubok. Nang sila ay dinala sa harap ni Haring Nabucodonosor, tinanong niya ang mga ito kung totoong tumanggi silang yumukod at sumamba sa rebultong ginto. Sinabi ng hari sa tatlo na sila ay itatapon sa hurnong nagniningas kapag hindi nila ginawa. Ang tatlong lalaki ay tumangging yumukod at sumamba sa rebultong ginto.
Illustrator & Digital Colorist: Jonah Onix
Story Writer: Pola De Vera